Presidential Communications Asec. Mocha Uson, ilag sa isyu kaugnay sa pagperform niya sa isang casino

Manila, Philippines – Umiilag ngayon si Presidential Communications Assistant Secretary Mocha Uson kaugnay sa kanyang ginawang performance sa loob ng Resorts World Manila.

Itinuro ni Uson si PCO Secretary Martin Andanar dahil sa kalihim umano niya ibinigay ang kanyang statement.

Pero sinabi naman ni Andanar, ipinauubaya na niya sa tanggapan ni Executive Secretary Salvador Medialdea ang kaso ni Uson.


Sinabi rin ni Andanar na pinayagan nila si Uson nang magpaalam ito sa kanila noong itinalaga ng pangulo na itutuloy pa rin nito ang kontrata ng Mocha Girls gayunman hindi aniya kasama rito ang pagpe-perform sa casino.

Facebook Comments