Presidential Communications Asec. Mocha Uson, pinayuhan ng Malacañang na umiwas na mag-perform sa mga casino

Manila, Philippines – Pinayuhan ng Malacañang si Presidential Communications Assistant Secretary Mocha Uson na umiwas munang mag-perform sa mga casino.

Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, malinaw ang inilabas na direktiba ni Pangulong Duterte na bawal sa lahat ng mga opisyal at empleyado ng pamahalaan na magpunta sa mga casino.

Naiintindihan, aniya ng palasyo na mayroong kontratang dapat sundin si Uson pero hindi dapat sa mga casino.


Napukaw na naman ni Uson ang atensyon ng publiko matapos itong makitang nag-perform kasama ang kanyang grupong Mocha Girls sa Resorts World Manila sa Pasay City.

Paglilinaw naman ng palasyo na malaya naman si Mocha na mag-perform sa mga lugar na hindi ipinagbabawal sa mga government official at personnel.

Facebook Comments