MANILA, PHILIPPINES – Hinamon ng senate media si Presidential Communications Secretary Martin Andanar na patunayan ang kanyang mga paratang na binayaran ang mga media na nag-cover sa press conference ni retired SPO3 Arthur Lascañas.
Unang sinabi ni Andanar – nagpamigay ng isang libong dolyar o 50,000 pesos para sa mga media na nag-cover nito.
Iginiit ng senate media na walang ganitong klaseng nangyari at hindi nila kinukunsinti ang mga ganitong pangyayari.
Kung hindi mapapatunayan ni Andanar ang kanyang mga paratang ay dapat siyang mag-public apology sa senate media dahil sa pagkakalat ng pekeng balita.
Paliwanag naman ni Andanar, bagamat may inalok na pera para i-cover ang naturang press con, wala naman siyang tinukoy na miyembro na media na tumanggap nito.
Dagdag pa ni Andanar, bilang isang dating mamamahayag ay nirerespeto niya ang mga kasamahan sa media.
Samantala, itinanggi naman ni Senador Antonio Trillanes ang paratang ni Andanar na napaka-iresponsable para sa isang cabinet official na sabihin ang naturang paratang sa publiko.