Presidential debate na pangungunahan ng COMELEC, kasado na; 10 kandidato sa pagka-pangulo, dadalo

Inihayag ng Commission on Elections (COMELEC) na all set na ang nakatakdang debate ng mga kumakandidato para sa pagka-pangulo.

Ayon kay COMELEC Spokesman James Jimenez, sa darating na March 19, 2022 o araw ng Sabado gaganapin ang debate.

Sinabi ni Jimenez na lahat ng sampung kandidato sa pagka-pangulo ay nagkumpirma ng kanilang pagdalo sa nasabing debate.


Dagdag pa ni Jimenez, natapos na nila ang mga patakaran sa gagawing debate kung saan alam na ng mga kandidato ang mga panuntunan dito.

Kabilang na rito ang kawalan ng advance na kopya ng mga tanong at bawal rin ang mga kandidato na magbitbit ng kahit ano sa pagtayo nila sa podium sa naturang aktibidad.

Samantala, maliban sa presidential debate, magsasagawa rin ng debate para sa mga tatakbo sa pagka-pangalawang pangulo ang COMELEC.

Inihayag ni Jimenez na nagbigay na nang commitment ang walo sa mga kandidato na dadalo maliban kay Congressman Joselito Atienza na sumasailalim sa ilang medical procedures.

Facebook Comments