
Alinsunod sa anunsyo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa kaniyang ikaapat na sa State of the Nation Address o SONA, inihahanda na Commission on Higher Education (CHED) ang guidelines para sa pagbibigay ng Presidential Merit Scholarship sa high school graduates na makakakuha ng highest honor o pinakamataas na karangalan.
Sa post SONA discussion, sinabi ni CHED Chairperson Shirley Argupis, hindi lang ang mga estudyanteng nasa poorest of the poor ang pwedeng maging kwalipikado rito, kundi maging ang mga anak ng middle-income families na hindi sapat ang kakayahan para mapag-aral ang kanilang mga anak sa nais na kolehiyo.
Ayon kay Agrupis, ang scholarship program ay bahagi ng implementasyon ng Free Higher Education Law pero tatawagin din itong Triple A Scholarship, na bukas sa mga top graduates mula sa 12,000 senior high schools sa buong bansa.
Kabilang sa kwalipikasyon ang mataas na academic performance at ang kahandaang kumuha ng kurso sa mga hard-to-fill sectors tulad ng health, agriculture, fisheries, digital technology, at artificial intelligence.
Ang mga scholar ay pwedeng mag-aral sa alinmang pribado o pampublikong unibersidad, basta’t kwalipikado sila at natanggap sa naturang paaralan.









