Presidential pardon kay Pemberton, binatikos ng opposition senators

Labis na ikinadismaya nina opposition Senators Risa Hontiveros at Francis “Kiko” Pangilinan ang pagbibigay ng presidential pardon kay US Lance Corporal Joseph Scott Pemberton.

Giit ni Hontiveros, ang presidential pardon na nagpapalaya sa dayuhan na pumatay sa transgender na si Jennifer Laude ay dagdag hinanakit hindi lang sa pamilya niya, kundi pati na rin sa LGBTQI+ community at sa mga Pilipinong naghahanap ng hustisya.

Ikinatwiran ni Hontiveros na pinalaya ang isang Amerikano na mamamatay tao habang nananatiling nakabilanggo ang mga kababayan natin na matatanda na o mga mahihirap na nakulong dahil nagnakaw ng pagkain.


Binigyang diin naman ni Senator Pangilinan na kwestyunable at kontrobersyal ang pardon kay Pemberton.

Buo ang paniniwala ni Pangilinan na ginawa ito upang ilihis ang atensyon ng publiko mula sa incompetent, corrupt at palpak na COVID-19 campaign.

Facebook Comments