Manila, Philippines – Pinagtibay ng Korte Suprema ang presidential proclamation na nag-uutos sa pagsasara at rehabilitasyon ng Boracay Island.
Sa ginanap na en banc session sa Korte Suprema, bumoto ang mga mahistrado ng 11-2 kung saan mayroong dissenting vote sina Associate Justice Marvic Leonen at Alfredo Benjamin Caguioa.
Ang main ground sa pagpapatibay ng presidential proclamation ay dahil hindi naman nalabag ang right to travel sa isla.
Matatandaan na noong nakaraang taon, naghain ng petition for prohibition and mandamus ang dalawang manggagawa sa isla at isang lokal na turista sa tulong ng National Union of People’s Lawyers.
April 26, 2018 nang isinara ang Boracay Island at muli itong binuksan matapos ang rehabilitasyon noong October 26, 2018.