Tuloy ang pagbibigay proteksyon ng Presidential Security Command (PSC) kay Vice President Sara Duterte.
Ito ang pahayag ng PSC matapos sabihin ni VP Sara na political harassment ang pag tanggal sa 75 na pulis na nakatalaga sa kanya.
Ayon kay PSC Commander Major General Nelson Morales, ni-reorganisa ang Presidential Security Group (PSG) at ginawang PSC.
Bahagi at sub-unit aniya ng PSC ang Vice Presidential Security and Protection Group (VPSPG) na naatasang magbigay proteksyon kay Bise Presidente.
Pagtitiyak pa ni Morales, mananatiling propesyunal at mission oriented ang PSC bilang isang unit ng Armed Forces of the Philippines (AFP).
Facebook Comments