Presidential Sister Na Si Balsy – Inihalintulad Si Liberal Party Vice Presidentiable Candidate Leni Robredo Sa Inang Si

8

MANILA – Nakikita ni Presidential Sister Balsy Aquino ang kanyang inang si Dating Pangulong Cory Aquino sa personalidad ni Liberal Party Vice Presidentiable Bet at Camarines Sur Rep. Leni Robredo.Una nang, sinabi ni Robredo na inspirasyon niya si Cory kung bakit niya piniling manilbihan sa publiko.Kamakailan lang, nagpahayag na rin ang bunso nilang kapatid na si kris ng suporta kay Robredo.Matapos makapasa sa bar noong 1997, pinursige ni Robredo ang pangarap na tulungan ang taumbayan sa pamamagitan ng pagtatrabaho sa Public Attorney’s Office.Halos isang dekada, ginamit ni Robredo ang panahon sa pagbibigay ng libreng tulong legal para sa magsasaka, mangingisda, inaabusong kababaihan, urban poor at indigenous peoples.Idinagdag pa ni Balsy na bilang suporta, sasama siya at iba pang kapatid sa kampanya sa mga susunod na araw. (Lou Catherine Panganiban – RMN DZXL 558)

Facebook Comments