Presidential Son Donald Trump Jr., nagpositibo rin sa COVID-19

46
Photo Courtesy: Business Insider

Nagpositibo sa Coronavirus ang anak ni U.S. President Donald Trump na si Donald Jr.

Ayon sa tagapagsalita nito, wala itong sintomas o asymptomatic at sinusunod lamang ang COVID-19 guidelines sa pag-quarantine.


Magugunitang una nang nagpositibo sa COVID-19 ang U.S. President at si First Lady Melania Trump gayundin ang kanilang bunsong anak na si Barron at ang Chief of Staff nito na si Mark Meadows.

Maging ang kasintahan ni Trump Jr. na si Kimberly Guilfoyle ay nagpositibo rin sa COVID-19.

Facebook Comments