Presidential son Paolo Duterte, inakusahang miyembro ng triad

Manila, Philippines – Humaharap sa pagdinig ng Senado ukol sa anumalya sa Bureau of Customs ang anak ni Pangulong Rodrigo Duterte na si Vice Mayor Paolo Duterte at ang kanyang manugang na si Atty. Manases Carpio.

Sa kanilang opening statement ay kapwa itinanggi nina Pulong at Atty. Manse na sangkot o may alam sila sa tara system sa Customs at sa smuggling ng ilegal na droga.

Sabi pa ni Pulong hindi sila makakasagot sa mga alegasyon na hearsay sabay diin na makakarma ang mga indibiduwal na may intensyong masama.


Diin naman ni Atty. Carpio, kahit minsan ay hindi niya na-meet o nakilala ang broker na si Mark Taguba at ang kanyang mga hakbang ay pagtupad lang sa kanyang propesyon bilang abogado.

Sa pagdinig ay napaamin ni Senator Trillanes na mayroong tattoo sa kanyang likod si Pulong Duterte.

Ayon kay Trillanes ang tattoo na ay nagpapatunay na ito ay miyembro ng triad o sindikato ng iligal na droga.

Ang impormasyon ay nakuha ni Trillanes base sa Intel report ng ibang bansa na hindi niya pinangalanan.

Nag-invoke naman si Pulong ng right to privacy ng hilingin ni Trillanes na ipakita sa publiko ang tattoo niya sa likod.

Ayon kay Trillanes, miyembro ng triad ang kaibigan ni Pulong na sina Charlie Tan at Kennet Dong.

Naglabas pa si Trillanes na mga larawan na nagpapakita ng sobrang closeness ni Pulong kina Tan at Dong.

Si Kenneth Dong ay nasasangkot sa paglusot sa BOC ng 6.4 billion pesos na shabu galing sa China, habang si Charlie Tan naman ay nasangkot na noon sa iligal na droga sa Davao pero inarbor daw umano ni Pulong.

Facebook Comments