Presidential Spokesman Ernesto Abella, nilinaw na ang mga nag-apply ng amnesty program ang kasamang maiuuwi ni Pangulong Duterte pabalik ng bansa at hindi ang mga OFW na nasa death row

Manila, Philippines – Posibleng maiuwi ni PangulongRodrigo Duterte ang mga OFW na nag-apply ng amnesty program ng Saudi Arabia.
  Nasa death row ayon kay Presidential Spokesman ErnestoAbella – hindi matatalakay ni Pangulong Duterte kay Saudi Arabian King Salman angtungkol sa mga OFW na nasa death row.
  Paglilinaw ni Abella – mga pinoy na nabigyan ng clearancematapos mag-avail ng amnestiya ang iuuwi ng pangulo sa linggo ng pagkabuhay.
  Sinabi naman ni consul-general ng Philippine embassy sa Riyadhna si Iric Arribas – pangunahing agenda ng kanilang pag-uusap ay ang pagbibigayng proteksyon sa mga OFW.
  Dagdag pa ni Arribas – hindi pa rin mawawala sa agenda ngPangulong Duterte ang kampanya laban sa ilegal na droga dahil karamihan sa mgapilipinong nakukulong sa Saudi ay may kinalaman sa droga.
  Samantala, makikipagpulong din ngayong araw si PangulongDuterte sa mga negosyante para mamuhunan sa Mindanao at Filipino community bagoito tumulak sa Bahrain.
 

Facebook Comments