Manila, Philippines – Binalaan si Presidential Spokesman Harry Roque ng isa pang tagapagsalita ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno.
Kasunod ito ng pahayag ni Roque na dapat nang magbitiw sa pwesto ang punong mahistrado.
Ayon kay Atty. Josalee S. Deinla, dapat maging maingat na ngayon sa pagsasalita si Roque dahil siya ay opisyal nang tagapagsalita ng pangulo.
Sinabi pa ni Deinla na dapat hintayin na lamang ni Roque ang resulta ng impeachment case ni Sereno at huwag itong mag-prejudge sa kaso.
Una na ring iginiit ng isa pang tagapagsalita ni Sereno na si Atty. Carlo Cruz na naninindigan ang chief justice sa desisyon nito na hindi nito option ang pagreresign.
Facebook Comments