Presidential Spokesman Harry Roque, binanatan ng opposition senators

Hindi pinalampas nina opposition Senators Risa Hontiveros at Francis “Kiko” Pangilinan ang pahayag ni Presidential Spokesman Harry Roque na hindi sakop ng Exclusive Economic Zone (EEZ) ng Pilipinas ang Julian Felipe Reef.

Diin ni Hontiveros, iresponsable ang nabanggit na pahayag ni Roque na nagpapakita ng pagiging atat ng Palasyo na kumampi sa China.

Dismayado si Hontiveros na sa halip palakasin ang pag-angkin sa sariling atin ay sila pa ang nangungunang mamigay ng teritoryo ng bansa.


Punto pa ni Hontiveros, ang pahayag ni Roque ay taliwas sa posisyon at aksyon ng Department of National Defense (DND) at Department of Foreign Affairs (DFA) at sa pagpapatrolya ng Philippine Navy (PN), Philippine Coast Guard (PCG), Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) maging sa kwento ng ating mga mangingisda.

Tanong naman ni Senator Pangilinan, sa China ba sumasahod ng sweldo niya si Roque.

Dagdag pa ni Pangilinan, sa kawalan ng iisang posisyon at pahayag ng mga miyembro ng Cabinet ay China lang ang tuwang-tuwa at kumakain ng popcorn ika nga habang pinapanood ang ganitong palakad ng ating executive department.

Facebook Comments