Presidential spokesman Harry Roque, hindi na kailangang dumaan sa Commission on Appointments

Manila, Philippines – Hindi na kailangan kumpirmahin ng Commission on Appointments o CA si Presidential Spokesman Harry Roque.

Ito ng inihayag ni Senate President Koko Pimentel na siya ring chairman ng CA.

Diin ni Pimentel, ang pagpili ng spokesman ay nakasalalay sa 100 porsyentong discretion o pagpapasya ng Pangulo.


Ayon kay Pimentel, katulad ng Presidential Legal Counsel at Executive Secretary, ay hindi na rin kailangang pumasa pa sa CA ang isang tagapagsalita ng Pangulo.

Paliwanag ni Pimentel, hindi naman nagpapatakbo ng isang departamento sa gobyerno ang tagapagsalita ng pangulo katulad ng ibang kalihim kaya hindi na ito kailangang dumaan pa sa CA.

Facebook Comments