Kinundena ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang nangyaring kilos protesta laban sa kanyang nominasyon sa International Law Commission (ILC) sa Amerika.
Nabatid na nagkilos protesta sa harapan ng isang restaurant sa New York City ang ilang militanteng grupo habang nagdaraos ng private cocktail party ang International Law Vommission kung saan tinututulan nila ang nominasyon ni Roque na maupo sa ILC.
Sa nasabing insidente, nasugatan ang dalawang waiter.
Ayon kay Roque, bagamat kinikilala niya ang karapatan ng mga nagkikilos protesta, hindi naman katanggap-tanggap ang mga inasal ng mga ito kung saan humantong pa sa pagkakasugat ng mga inosenteng indibidwal.
Aniya, hindi pa nakuntento ang mga nag-rally dahil pinasok pa ang restaurant ay nakasira ng mga ari-arian.
Nagawa pa umano ng mga ito na omorder ng pagkain at mga inumin pero hindi binayaran.
Si Roque ay nasa New York City ngayon para official visit sa United Nation International Law week.