Presidential Spokesman Harry Roque, recording artists na; naglabas ng music video

Isang ganap na recording artist na si Presidential Spokesperson Harry Roque.

Ang Radio Television Malacañang (RTVM) ay naglabas ng music video kung saan tampok si Roque para sa revival ng 1945 classic na “Payapang Daigdig”

Bago inilabas ang video, binabati ni Roque ang lahat ng Maligayang Pasko at umaasang ma-enjoy ng lahat ang munting regaling handog ng kanyang opisina.


Sa pagsisimula ng video, tiniyak ng RTVM na nasunod ang safety protocols gaya ng social distancing, pagsusuot ng face masks at face shields habang ginagawa ang music video.

Ayon sa University of the Philippines (UP), ang “Payapang Daigding” ay binuo sa ilang tahimik na gabi noong 1945 kung saan pinadapa ang Maynila noong World War II.

Facebook Comments