Presidential Spokesman Salvador Panelo, ipinamalas ang galing sa kanta at sayaw sa PUP  

68

Agaw pansin ang pagdalo ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo sa Law College Night ng Polytechnic University Of The Philippines (PUP).

Sa video na kuha ni Bella Toledo, makikitang naghihiyawan ang mga taong dumalo habang ipinapamalas ni Secretary Panelo ang kanyang galing sa swing dance.


Ayon sa nag-post, sinabi ni Panelo na naisip na rin niyang maging dance instructor kung hindi siya naging abogado.

Pagkatapos sumayaw, nagpakitang gilas din sa biritan si Panelo at inawit ang “Sana’y wala nang wakas” ni Sharon Cuneta.

‘yan ang pa-sample ni President Spokesman Salvador Panelo.

Facebook Comments

From Advertisers