Presidential spokesman Secretary Harry Roque, binigyang diin na walang bahid politika ang kanyang planong mag-ikot sa bansa para magsagawa ng press conference

Manila, Philippines – Tiniyak ni Presidential Spokesman Secretary Harry Roque na walang halong pulitika ang gagawin niyang pagiikot sa ibat-ibang lugar sa bansa para doon magsagawa ng mga press briefings.

Ito ang sinabi ni Roque sa harap narin ng matunog nitong pangalan na posibleng lumutang para sa 2019 Senatorial Elections.

Ayon kay Roque, ang pakay niya sa pag-iikot ay para ilapit sa publiko ang mga programa, mga adbokasiya at mensahe ni Pangulong Rodrigo Duterte at wala itong bahid ng pulitika.


Tiniyak din naman ni Roque na hindi magiging malaki ang gastos dito ng kanyang tanggapan dahil mayroon namang iba pang mga tanggapan ng pamahalaan na maaaring tumulong sa kanya at mag-organisa ng mga press conference.

Facebook Comments