Presidential Spokesperson Harry Roque, nagpositibo sa COVID-19

Nagpositibo sa COVID-19 si Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque.

Ayon kay Roque, nagnegatibo siya noong Marso 10, isang araw bago ang pagsama niya sa official speaking engagement ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Dumaguete.

Pero kahapon, March 14 ay muli siyang sumailalim sa COVID-19 test at kanina lumabas ang resulta na positibo siya sa virus.


Giit ni Roque, hindi siya lumapit kay Pangulong Duterte sa Dumaguete at istrikto ang kanyang pagsunod sa minimum health protocols.

Dahil siya ay asymptomatic, mag-isolate lang siya at patuloy niyang gagampanan ang kanyang trabaho sa isang isolation facility.

Nanawagan din ito sa mga nagkaroon ng closed contact sa kaniya na mag-quarantine at i-monitor ang kanilang kondisyon.

Facebook Comments