Presidential Spokesperson Harry Roque, umani ng batikos matapos bumisita sa resort sa Subic sa gitna ng pagsusulong ng essential travels

PHOTO COURTESY: OCEAN ADVENTURE SUBIC BAY FB PAGE

Umani ng puna mula sa mga netizens si Presidential Spokesperson Harry Roque matapos bumisita sa isang resort sa Subic, Zambales sa gitna ng quarantine status sa Metro Manila kung saan pinapayagan lamang ang essential travels sa labas ng rehiyon.

Ang mga litrato ay burado na mula sa Facebook Page ng Ocean Adventure kung saan nagpakuha si Roque ng picture kasama ang mga dolphins.

Sa isa pang kuha, makikita naman si Roque na walang suot na face mask kasama ang dalawang indibidwal.


Paliwanag naman ni Roque, binisita niya ang isang property sa Bataan na nasa unang araw ng Modified General Community Quarantine (MGCQ).

Iginiit ni Roque na nadaanan lamang niya ang resort na matagal na niyang hindi napupuntahan.

Ikinokonsidera siyang Authorized Person Outside Residence (APOR).

Sa huli, binigyang diin ni Roque na ang turismo ay pinapayagan sa ilalim ng MGCQ at tanging siya lang ang bisita noon sa resort.

Facebook Comments