Presidential Spokesperson Roque, bumwelta sa mga nais buwagin ang IATF

Nanawagan si Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque sa mga kritiko ng administrasyon na maging patas at maging objective.

Pahayag ito ng kalihim sa kahilingan ng ilang pulitiko at grupo na buwagin na ang Inter-Agency Task Force (IATF) dahil sa kapalpakan nito sa COVID-19 response.

Ayon kay Roque, hindi lang naman ang Pilipinas ang nakararanas ngayon ng pagtaas ng kaso kundi pati na rin ang iba’t ibang bahagi ng mundo.


Giit pa ng kalihim, hindi rin naman kasalanan ng IATF kung nag-mutate at mas naging mabilis makahawa ang virus pero marami nang nagawa ang pamahalaan upang mapababa ang kaso ng COVID-19 sa bansa.

Ani Roque, ang IATF ay binubuo ng iba’t ibang sangay ng pamahalaan, nagsama-sama aniya ang “the best and the brightest minds” para sa whole of government approach para labanan ang pandemya at bumuo ng desisyon na babalanse sa ekonomiya at kapakanan ng sambayanang Pilipino.

Facebook Comments