Presidential Spokesperson Roque, pinasaringan si VP Leni sa pagsasagawa ng infomercial

Pinasaringan ni Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque si Vice President Leni Robredo kaugnay sa nais nitong pagsasagawa ng infomercial kasama si Pangulong Rodrigo Duterte upang mahikayat ang publiko na magpabakuna.

Ayon kay Roque, ngayong marami nang nagpapabakuna ay nakakabigla na bigla na namang nag-volunteer si VP Leni.

Maituturing kasi aniyang insulto ito dahil lagi umano nitong sinisiraan ang gobyerno.


Sinabihan naman ni Roque si VP Leni na pag-aaralan kung anong kontribusyon na maibibigay sakaling matuloy ang infomercial dahil isa ito sa pinakamaingay na kritiko ng gobyerno.

Matatandaang ang infomercial ay ideya ni Senator Joel Villanueva dahil ayon dito magiging mabisa kung maglalabas ng isang joint public service announcement ang Pangulo at ang Bise Pangulo upang makumbinse ang malaking populasyon ng mga Pilipino na ligtas at epektibo ang bakuna.

Habang maituturing rin aniyang malakas na pangontra ang tambalang ito sa fake news dahil pawang nabakunahan na ang dalawa kung saan Sinopharm ang itinurok kay Pangulong Duterte habang AstraZeneca naman ang kay VP Leni.

Facebook Comments