Binakbakan ng kampo ni Vice President Leni Robredo si Presidential Spokesperson Salvador Panelo.
Ito’y dahil sa tila pang-iinsulto ni Panelo sa Pangalawang Pangulo kasunod ng hindi paglalabas nito ng report patungkol sa war on drugs.
Ayon kay Atty. Barry Gutierrez, ang tagapagsalita ni Robredo, patuloy na naghahayag si Panelo hinggil sa pulitika sa gitna ng trahedya sa Davao Del Sur kasunod ng pagtama ng malakas na Lindo.
Banat pa ni Gutierrez, mas inuuna ni Panelo ang pulitika kaysa sa kapakanan ng mga mamamayan.
Ipinaalala pa ni Gutierrez kay Panelo na panahon ngayon para magkaisa at tulungan ang mga naapektuhan ng Lindol.
Facebook Comments