Presidential Task Force on Media, nakatutok sa kaso ni Maria Ressa

Manila, Philippines – Tiniyak ngayon ng Malacañang na nakatutok ang Presidential Task Force on Media Security (PTFOMS) sa kinakaharap na legal problems ng online news site na Rappler at ng kanilang chief executive officer na si Maria Ressa.

Ayon kay Presidential Communications Operations Office at co-chairman ng Presidential Task Force on Media Security (PTFOMS) Secretary Martin Andanar, ang libel case laban kina Ressa at Reynaldo Santos, Jr. na siyang sumulat ng kinukwestiyong online article ay isinampa ng isang private complainant na si Wilfredo “Willy” Keng.

Aniya, ang judicial process ay naaayon sa karapatan ni Keng na iharap at patunayan ang kanyang alegasyon habang perpektong oportunidad din ito para kina Ressa at Santos para linisin ang kanilang mga pangalan sa pamamagitan ng pagprisinta ng kontra-ebidensya sa gagawing pagdinig ng korte.


Iginiit ni Secretary Andanar batid ng PTFOMS na hindi talaga nakapagtatakang maraming mamamahayag ang nahaharap sa iba’t-ibang kaso dahil sa pagtupad ng tungkulin pero ang kaso nina Ressa ay hindi maituturing na “isolated case.”

Bunsod nito, hinikayat ni Secretary Andanar ang lahat na maging vigilant para matiyak na ang mga akusado sa criminal proceedings ay mabibigyan ng due process.

Facebook Comments