Presidential Task Force on Media security hiniling sa PNP na bantayan ang mga mamamahayag

Ngayong papalapit na ang halalan ay hiniling ni Presidential Task force on Media Security executive director Joel Egco kay Philippine National Police Chief Police General Oscar Albayalde na ilagay sa hightened alert ang buong PNP mula May 10 hanggang May 15 para mapigilan ang karahasan sa mga mamamahayag na tumatakbo sa halalan o ginagawa ang kanilang mga trabaho na icover ang halalan.

 

Sa ipinadalang liham ni Egco kay Albayalde ay sinabi nito na ang panahon ng halalan ay isa sa mga panahong pinaka delikado para sa mga mamamayahag base sa kanilang pagtala.

 

Sinabi pa ni Egco na isa ito sa kanilang mga proactive measures dahil mandato nilang tiyakin na ligtas ang mga mamamahayag sa bansa lalo pa at posibleng hindi magkalayo ang gaganaping halalan sa mga nakaraang halalan kung paguusapan ay ang political environment sa ibat ibang mga lugar sa bansa.


 

Tiniyak ni Egco na hindi magsasawa ang kanyang tanggapan na gawin ang kanilang mandato na panatiliin ang kaligtasan ng nga mamamahayag at siguruhing malayo ang mga ito sa pagbabanta at karahasan ngayong panahon ng halalan.

 

Natanggap na ng tanggapan ng PNP Chief ang liham ng PTFOMS at umaasa naman si Egco na gagawin ng PNP ang kanilang hiling.

Facebook Comments