Presidential Task Force on Media Security, susuportahan ang pagsasampa ng reklamo laban sa transport group na Manibela dahil sa pagkuyog sa isang reporter

Hindi nakatulong sa ipinaglalaban ng transport group na Manibela ang ginawa ng ilan nilang miyembro na pag-atake sa isang mamamahayag sa gitna ng pagre-report nito kaninang umaga.

Ito ang sinabi ni Presidential Task Force on Media Security Executive Director Undersecretary Paul Gutierrez, kasabay ng pagkondena sa pangha-harass ng grupo sa reporter na si Val Gonzales sa kasagsagan ng kanilang kilos-protesta sa Quezon City.

Ayon kay Gutierrez, hindi lang din si Gonzales ang hinarass ng mga miyembro ng Manibela kundi pati na rin ang kapwa reporter na si Allan Gatus.


Dahil dito, naniniwala si Gutierrez na lalo lamang hindi susuportahan ng publiko ang kanilang mga hakbang lalo na kung may kasama na itong dahas at pananakot.

Handa namang sumuporta ang PTFoMS kay Gonzales na nakatakdang magsampa ng kaso laban sa transport group.

Facebook Comments