Presidential Taskforce on Media Security, humirit na rin sa Supreme Court ng live media coverage sa promulgation ng Maguindanao Massacre Case

137

Pormal na ring dumulog sa Korte Suprema ang Presidential Taskforce on Media Security para ihirit ang pagkakaroon ng live media coverage sa pagbababa ng hatol ng korte sa Maguindanao Massacre case.


 

Sa dalawang pahinang liham ni Usec. Joel Egco kay Court Administrator Atty. Jose Midas Marquez na may petsang December 4, 2019, hiniling nito na mapagbigyan ang live media coverage ng government communication agencies gaya ng PTV-4, RTVM, Philippine News Agency at PCOO.

 

Paliwanag ni Egco, isa ang Ampatuan massacre sa mga kaso na tinututukan ng Presidential Taskforce on Media Security lalo pat karamihan sa mga pinatay sa massacre noong November 2009 ay pawang miyembro ng media.

 

Una nang nagsumite ng petisyon sa Supreme Court ang ibat-ibang media organizations tulad ng National Union of Journalists of the Philippines, Center for Media Freedom and Responsibility, at Philippine Center for Investigative Journalism (PCIJ) para hilingin ang live media coverage sa itinuturing na landmark decision sa pinakamalalang election related violence sa kasaysayan ng Pilipinas.

 

Una nang itinakda ng QC RTC Branch 221 ang promulgation sa naturang kaso sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City.

 

 

 

Facebook Comments