PRESIDENTIAL ADVISOR FOR NORTHERN LUZON PHILIPPINES AT ADMINISTRATOR CAGAYAN ECONOMIC ZONE AUTHORITY RAUL LAMBINO, NAGPOSITIBO SA COVID-19

Nagpositibo sa COVID-19 si Presidential Advisor for Northern Luzon Philippines at Administrator Cagayan Economic Zone Authority (CEZA) Raul Lambino ayon sa kaniyang anak na si Vice Governor Marc Lambino.

Sinabi ni Lambino, na ang kaniyang ama ay isa sa mga closed-contact ng kaniyang driver kung kaya’t ito ay sumailalim sa COVID-19 test.

Noong ika-14 ng Setyembre lumabas ang resulta na positibo ito sa sakit.


Sa ngayon, ang nakakatandang Lambino ay nasa hospital at patuloy na nagpapagaling.
Mabuti na lang aniya ay hindi gaanong malala ang naging kaso nito dahil fully vaccinated ang kaniyang ama.

Muli namang nanawagan ito sa publiko na sumunod sa umiiral na minimum public health standard at magpabakuna.

Facebook Comments