PRESINTO DOS SA SANTIAGO CITY, PATULOY ANG INFORMATION KONTRA SA ILLEGAL NA DROGA

Cauayan City, Isabela-Nagpapatuloy pa rin ang pagpapaalala ng kapulisan sa Lungsod ng Santiago kaugnay sa ipinagbabawal na gamot.
Ngayong hapon ay muling lumabas ang mga tauhan ng Santiago City Police Station 1 para magsagawa ng information drive campaign laban sa iligal sa pamamagitan ng kanilang pamimigay ng mga leaflets para maging aware ang mga residente sa lugar sa masamang dulot ng ipinagbabawal na gamot.
Ang Lungsod ng Santiago ay nakasama noon sa listahan ng PNP na isa sa may maraming gumagamit at nagbebenta ng ipinagbabawal na gamot kaya binansagan noon na seed bed o pugad ng mga durugista.
Bukod dito, nagpapatuloy din ang pakikipag ugnayan ng kapulisan sa bawat opisyales at mamamayan ng mga barangays sa naturang Lungsod para makipagtulungan sa kanilang kampanya kontra iligal na droga upang sa ganon ay masugpo ang droga sa Syudad.
Facebook Comments