Giniba kahapon ang Police Community Precint sa Nansangaan Binmaley Pangasinan, National Road bilang bahagi ng kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte na tanggalin ang mga nakatayong istruktura sa sidewalks.
Sa panayam ng iFM Dagupan kay Engr. Vitaliano Valerio, Municipal Engineer ng Binmaley, ang nasabing presinto ng pulis ay lumagpas sa panuntunan ng Department of Publics Works and Highways na dapat ay mayroong layong 20 meters mula sa naturang kalsada.
Plano umanong ilipat ang substation ng pulis at paradahan ng mga pampasaherong tricycle sa kalapit na lupa na olanong bilihin ng lokal na pamahalaan ng Binmaley. Kabilang din sa mga pinagbabaklas na istruktura ay ang mga karinderya.
Ani ni Vitaliano napadalahan na ng mga sulat ang mga nagmamay-ari ng karinderya at nabigyan ng tatlumpung araw upang tanggalin ang mga nakahambalang sa kakalsadahan.
Samantala, magpapatuloy ang clearing operations sa bayan hanggat hindi ito tuluyang nalilinis.