Preso – patay sa sunog sa El Salvador City, Misamis Oriental

Misamis Oriental – Patay ang isang preso nang masunog ang El Salvador City Police Station at LGU building sa El Salvador City, Misamis Oriental kaninang mga alas 12:20 ng madaling araw.

Ayon kay El Salvador City chief of police Gerry Tambis na nagsimula ang sunog sa selda ng isang presong may deperensya ang pag-iisip na si Rey Fuentes, 40 anyos na namatay sa insidente.

Kabilang sa nasunog ang lumang LGU building kung saan naroon ang opisina ng BIR, COMELEC, vice-mayor, secretary ng Sangguniang Panglungsod, session hall at post office.


Umabot naman sa kalahating milyon ang danyos sa nasabing sunog.

Facebook Comments