Preso sa Police Station 4 ng MPD, patay

22

Manila, Philippines – Patuloy pa ring inaalam ang detalye ng pagkasawi ng isang preso ng Police Station 4 ng Manila Police District.

Batay sa inisyal na ulat ng Homicide Section ng MPD, ang hindi pinangalanang inmate ay hindi na umabot nang buhay sa Ospital ng Sampaloc.

Gayunman, wala pang maibigay na dagdag na impormasyon ang Station 4 ng MPD hinggil sa naging sanhi ng kamatayan ng inmate.

Hindi rin tinukoy ng MPS Station 4 kung ano ang kaso ng napatay na suspek na naging sanhi ng kanyang pagkakakulong sa naturang istasyon ng pulisya.

Agad namang idineploy sina SPO3 Milbert Balinggan at PO3 Rodel Benitez para imbestigahan ang nasabing insidente.

Facebook Comments