Presong ‘nagpakilalang doktor’, nakiusap na palayain para umano makatulong sa pagsugpo ng coronavirus

(Unsplash)

CONNECTICUT, USA – Isang lalaking nagpakilalang doktor na nakulong nito lamang nakaraang Huwebes ang nakiusap na mapalaya para umano mapagtuloy niya ang paggagamot ng mga pasyenteng may coronavirus.

Nagpakilala si Stanley Davidson bilang isang clinical respiratory supervisor na nagtatrabaho umano sa Danbury Hospital.

Ngunit nito lamang nakaraang Linggo ay nahatulan ito ng kasong second-degree sexual assault, risk of injury to a child at enticing a minor by computer ayon sa ulat ng the Connecticut Post.


Isang 20-anyos babae kasi mula Bridgeport ang nagreklamo dahil umano sa pambibiktima ni Davidson sa loob ng ilang taon.

Ayon sa dalaga, 12-anyos siya noong una siyang mabiktima nito at nagtagal hanggang siya ay tumuntong ng 16.

Binanggit niya sa mga pulis na tinatakot umano siya ng suspek na itago ang kanilang sikreto hanggang kamatayan.

Inamin din ng biktima na makailang beses na rin siyang nagpadala ng mga hubad na larawan sa suspek.

Nang makapanayam naman si Davidson, sinabi nitong mayroong issue sa pamilya ang babae tungkol sa pakikipag-usap nito sa mga lalaki.

Ngunit giit niya, wala raw siyang ginagawang kahit anong iligal laban sa biktima.

Pinadadalhan niya lang daw ito ng mga text messages para turuan ito at siguruhing parati itong ligtas.

Kaugnay nito, hindi naman bumalik sa korte ang abogado ni Davidson matapos maharap sa akusasyon ang suspek noong Huwebes.

Bilang tulong umano para makabalik si Davidson sa paggagamot, ibinaba ng hukom ang kanyang bono mula $200,000 o P10,210,000 sa $100,000 o P5,105,000.

Samantala, naglabas naman ng pahayag ang spokesperson ng Nuvance Health, Danbury Hospital nito lamang Biyernes na hindi totoong si Davidson ay empleyado ng kanilang ospital.

“We can confirm this person is not a physician at our hospital,” aniya.

Facebook Comments