Misamis Oriental – Naibalik na sa Misamis Oriental Provincial Jail o MOPJ ang isang presong pumuga kaninang madaling araw.
Matapos ang mahigit limang oras na hot pursuit operation, nadakip si Jonrel Borres Warque, 22 anyos na taga-Lanesi, Claveria, Misamis Oriental.
Si Warque ay isang trustee sa MOPJ na may kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act at paglabag sa Republic Act 9262 o Violence Against Women and their Children.
Ayon kay MOPJ Warden Dominador Tagarda na pumuga si Warque dahil gusto umano nitong gumanti sa mga nanggahasa sa kaniyang live-in partner.
Facebook Comments