PRESS BRIEFING | PRRD, magbibigay ng mensahe sa taumbayan mamayang hapon!

Manila, Philippines – Nakatakdang magbigay ng “address to the nation” sa pamamagitan ng press briefing si Pangulong Rodrigo Duterte mamayang alas tres ng hapon.

Sabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, gusto kasi ni Pangulong Duterte na kausapin ang taumbayan hinggil sa ilang mahahalagang isyu sa bansa.

Pero hindi naman tinukoy ni Roque kung anong partikular na paksa ang sasabihin o sasagutin ng Pangulo.


Hindi rin masabi ni Roque kung ito ba ay may kaugnayan sa amnesty ni Senator Antonio Trillanes IV o ang mataas na presyo ng mga pangunahing bilihin lalo ng bigas.

Facebook Comments