PRESS FREEDOM | Black Friday Protest ng NUJP, iginagalang ng Malacanang

Manila, Philippines – Walang problema ang Palasyo ng Malacanang sa ikinasang Black Friday Protest for Press Freedom ng isang grupo ng mamamahayag partikular ang National Union Journalist of the Philippines (NUJP) bilang suporta sa Rappler.

Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, pinapatunayan lamang ng protestang ito na buhay na buhay ang demokrasya sa bansa.

Malinaw din naman aniya ang posisyon ng Malacanang na pinahihintulutan ng pamahalaan ang paghahayag ng kritisismo bilang bahagi ng karapatan sa malayang pamamahayag.


Tiniyak din naman ni Roque na iginagalang ng Pamahalaan ang karapatan ng mga demonstrador at ipatutupad ang maximum tolerance sa panahon ng kilos protesta ng NUJP na gagawin mamayang 6:00 ng gabi sa Timog at Tomas Morato Intersection sa Quezon City.

Facebook Comments