Manila, Philippines – “Alive and kicking”
Ito ang paglalarawan ni Presidential Communications Secretary Martin Andanar sa estado ng freedom of the press sa Pilipinas kasabay ng pagkondena ng iba’t-ibang grupo sa pag-aresto kay Rappler CEO Maria Ressa.
Iginiit ni Andanar – hindi maituturing na pagsupil sa malayang pamamahayag ang pag-aresto kay Ressa.
Aniya, ang isinampang kaso sa Rappler chief ay walang pinagkaiba sa mga ibang reklamong inihain laban sa iba pang mamamahayag.
Hindi rin isolated case ang kay Ressa lalo at may ilang journalist din ang nahaharap sa libel charges dahil sa mga artikulong ginawa nito.
Facebook Comments