Kinikilala at nirerespeto ng Malacañang ang press freedom sa bansa, batay sa Saligang Batas o konstitusyon sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ito ang inihayag ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles, kasabay ng selebrasyon ng National Press Freedom Day kahapon.
Ayon kay Angeles, idineklara at naisabatas noong nakaraang administrasyon ang araw ng pagkilala sa kalayaan ng pamamahayag sa bansa at kay Marcelo H. Del Pilar.
Matatandaang si Del Pilar ay isang bayaning mamamahayag at propagandista noong panahon ng pananakop ng mga kastila na siya ring tinuturing na ama ng pamamahayag sa bansa.
Facebook Comments