Binigyang diin ng Malakanyang na nananatiling buhay ang kalayaan sa pamamahayag sa Pilipinas.
Pahayag ito ni acting Presidential Spokesperson at Presidential Communications Group (PCOO) Secretary Martin Andanar kasunod ng ulat ng global press watchdog na Reporters Without Borders kung saan lumalabas na bumaba sa ika-147 pwesto ang Pilipinas sa World Press Freedom index ngayong 2022.
Noong nakaraang taon, nasa ika-138 na pwesto ang bansa.
Ayon sa kalihim, kahit bumaba ang ranggo ng Pilipinas, kinikilala pa rin ng Reporters Without Borders (RSF) ang pananatiling buhay ng kalayaan sa pamamahayag sa bansa.
Bukod dito, hindi rin aniya kabilang ang Pilipinas sa Red List category o sa 10 pinakamalalang bansa para sa kalayaan sa pamamahayag.
Facebook Comments