Presumption of innocence, paiiralin pa rin ng DOJ kina Cassandra Li Ong at Sheila Guo

Tiniyak ng Department of Justice (DOJ) na mananatiling inosente sina Sheila Guo at Cassandra Li Ong kahit pa hawak na sila ng Bureau of Immigration (BI).

Ayon kay Justice Sec. Jesus Crispin Remulla, korte lamang ang maaaring magsabi na guilty ang mga ito sa maaaring kaso na kanilang kahaharapin.

Sa ngayon, tanging ang paglabag lamang sa Immigration Law ang nakikita ng DOJ na maaaring maisampa laban kina Guo at Ong.


Sa kasalukuyan, nasa inquest proceedings na ang dalawa sa National Bureau of Investigation (NBI).

Hinihintay pa ng DOJ ang magiging desisyon ng Senado at Kamara dahil sa pending warrant of arrest na inisyu laban sa kanila.

Ang dalawa ay naipa-deport kahapon mula Indonesia matapos silang naharang sa airport patungong Malaysia.

Facebook Comments