MANILA – Muling nagpulong ang mga opisyal ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) at si Incoming President Rodrigo Duterte sa Davao City.Ayon kay Fidel Agcaoili, spokesperson ng NDFP Peace Panel, kanilang iprinesenta kay Duterte ang listahan ng mga pangalang nominado para sa gabinete nito.Aniya, nananatiling confidential ang naturang listahan hanggat hindi pa nakakapagdesisyon si Duterte.Una nang inihayag ni Duterte na inireserba niya ang posisyon sa department of Labor and Employment, Department of Social Welfare and Development, Department of Agrarian Reform at Department of Environment and Natural Resources para sa mga miyembro ng progresibong grupo.Nakatakdang isumite ni Duterte sa screening committee ang naturang listahan.
Presumptive President Rodrigo Duterte, Muli Namang Nakipagpulong Sa National Democratic Front Of The Philippines
Facebook Comments