Presumptive vice president Mayor Sara Duterte, magsisilbing DepEd secretary ayon kay presidential frontrunner Bongbong Marcos Jr.

Itatalaga ni presidential frontrunner Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., si presumptive vice president Mayor Sara Duterte bilang kalihim ng Deparment of Education.

Ayon kay Marcos, si Duterte ang kaniyang magiging first nominee sakaling maiproklama na siya bilang pangulo.

Sinabi pa ni Marcos na pumayag na rin siya sa posisyon dahil naniniwala siyang kaya ni Duterte na gampanan ang tungkulin bilang isang nanay na nais maging “well trained” at edukado ang mga anak.


Kasunod nito, welcome naman para kay Education Secretary Leonor Briones ang pahayag ni Marcos at nakahanda raw silang makipag-tulungan kay Duterte para sa transition ng bagong pamumuno.

Matatandaang sinabi noon ni Duterte na nais niyang maging kalihim ng Department of Defense at pabor din siya noon na gawing mandatory ang military service.

Facebook Comments