Tiniyak ng Department of Trade and Industry (DTI) Pangasinan na nananatiling matatag ang presyo at suplay ng mga pangunahing bilihin sa buong lalawigan kasunod ng kabilaang paghahanda sa paparating na Bagyong Uwan.
Ayon sa panayam ng IFM News Dagupan kay DTI Pangasinan Consumer Protection Division Chief Guillermo B. Avelino Jr., patuloy na binabantayan ang mga tindahan at supermarket upang tiyakin na sapat ang suplay ng mga pangunahing produkto at mahigpit na nasusunod ang mga itinakdang Suggested Retail Prices (SRPs).
Dagdag dito, nagbabala ang ahensya laban sa mga mapanamantalang manlalako.
Samantala, upang mapanatili ang sapat na imbentaryo sa rehiyon, patuloy na nakikipag-ugnayan ang DTI sa mga manufacturer, distributor, at retailer.
Bukas ang mga pinakamalapit na tanggapan ng DTI sa mga reklamo at ulat patungkol sa pananamantala o hindi patas na gawain sa kalakalan.









