Cauayan City, Isabela – Nasa tamang presyo alinsunod sa itinakdang Suggested Retail Price ang mga itinuturing na Basic Necessities and Prime Commodities dito sa lungsod ng Cauayan.
Ito ang kinalabasan ng mas pinaigting ng price and supply monitoring na isinagawa ng DTI sa pangunguna ni Negosyo Center Cauayan City – Junior Business Counselor Mr. Atilano Warren G. Taguba II.
Ayon sa grupo ni Taguba, limang business establishments dito sa lungsod ang kanilang binisita.
Kanilang napag alaman na nasa takdang presyo ang mga basic commodities.
Dagdag pa nila na bagamat may mga ilang brands at produkto na out of stock dahil sa delivery issues, pero sa kabuuan ang mga produktong delata, noodles, kape at iba pang pangunahing bilihin ay sapat at walang dapat ipag alala ang mga mamimili.
Wala din nakitang kaso ng panic buying at hoarding sa paglibot ng DTI sa mga malalaking grocery stores sa Lungsod mula noong ipatupad ang Enhanced Community Quarantine (ECQ).
Ang isinasagawang monitoring ng DTI ay bilang tugon sa kauyusan ni Pangulong Rodrigo R. Duterte na inilabas noong March 8, 2020 kasabay ng pagdeklara sa buong bansa sa ilalim ng state of Public Health Emergency dahil Corona Virus Disease 2019 (COVID -19) pandemic.