Presyo ng 56 na basic commodities, nagmahal ngayong Pebrero

Manila, Philippines – Kinumpirma ng Department of Trade and Industry ang pagtaas ng presyo ng animnapu’t anim (56) na basic commodities ngayong Pebrero.
Natapos na kasi ang tatlong buwang price freeze na ipinatupad noong holiday season.
Paliwanag ni DTI USec. Ruth Castelo – bagama’t nagawa nilang magpatupad ng price freeze sa kabila ng mataas na inflation rate sa huling bahagi ng 2018, ikinokonsidera rin nila ang pagtaas sa halaga ng produksyon ng maraming mga paninda sa merkado.
Kasama na dito ang pagtaas sa halaga ng raw materials, labor cost, packaging maging ang presyo ng petrolyo.
Sa kabuuan, sinabi ng DTI na 5-percent average ang itinaas sa presyo ng mga pangunahing produkto.
Kabilang dito ang presyo ng sardinas na tumaas ng P0.40 hanggang P1.30 at evaporated at condensed milk na tumaas ng P0.50 hanggang P1.20 depende sa brand.
Tumaas rin ang presyo ng suka, mantika, toyo, asukal, kape at iba pa.
Pag-amin ni Castelo, February 13 pa nang tumaas ang presyo ng mga nabanggit na produkto.
Samantala, maaaring bisitahin ng mga consumer ang website ng DTI na www.dti.gov.ph para sa kumpletong listahan ng 56 na mga produktong nagmahal ang presyo.

Facebook Comments