Nanatiling matatag ang presyo ng asin sa ilang Pamilihan sa Metro Manila partikular na dito sa Pasay Public Market.
Ito’y sa kabila ng pag-apruba ng Department of Trade and Industry (DTI) sa 4% na taas-presyo sa piling brand ng asin.
Sa katunayan, hindi gumalaw ang presyo nito magmula pa noong nakaraang taon.
Sa panayam ng RMN Manila kay aling Yolanda Ansioco tindera ng asin, nanatili sa P20 ang kada kilo ng iodize salt at rock salt.
Aniya, hindi rin naman daw nagbago ang presyo nito sa kanilang kinukuhanan sa divisoria.
Dahil dito walang aasahan na pagtaas sa presyo ng asin ang mga mamimili hanggang sa katapusan ng Enero.
Giit pa ng ilang tindera, wala umanong binabanggit na may kakulangan sa suplay nito pero pinagtataka nila bakit kailangan pang mag-angkat ng asin sa ibang bansa kung napapaligiran naman tayo ng karagatan.
Matatandaan, noong 2022 inilapit na sa DTI ang taas presyo ng asin ngunit dumaan pa ito sa mahabang proseso para ma-aprubahan ang taas-presyo.
Hindi pa gagalaw ngayong buwan ng Enero ang presyo nito pero hindi pa masasabi sa mga susunod ng buwan.
Samantala, asahan naman ang domino effect na mangyayari dahil kung tataas ang mga raw materials ay tataas din ang presyo ng mga produkto na ginagamitan ng sangkap na asin.