Walang nakikitang dahilan ang Sugar Regulatory Administration (SRA) para itaas ang presyo ng asukal.
Ayon kay SRA Administrator Hermenegildo Serafica – ang sugar stock balance ay nasa all-time high na nasa 1.1 million metric tons.
Aniya, ang mga nagpapakalat ng maling balita na tataas ang presyo ng asukal ay sinusubukang manipulahin ang merkado upang tumaas ang kanilang kita.
Ang mill gate price ay nananatili sa ₱1,450 hanggang ₱1,550 kada 50-kilogram bag.
Lumalabas din sa kanilang mga inspeksyon sa sugar mills at warehouses na maraming imported sugar ang hindi pa nagagalaw.
Higit 133,500 metric tons ng imported sugar ang hindi pa nawi-withdraw mula sa mga warehouse.
Dahil dito, binago ng SRA ang kanilang projection para sa taong ito sa 2.079 million metric tons mula sa 2.225 million metric tons.