Walang nakitang pagtaas ng presyo sa mga basic commodities ang Deparrment of Trade and Industry maliban sa asukal.
Ito ang obserbasyon ng DTI kasunod ng ginawang inspection sa palengke at ilang supermarket sa Quezon City.
Ayon kay DTI Asec Anne Claire Cabochan, hindi nila kontrolado ang presyo ng asukal dahil ang Department of agriculture ang may hurisdiksyon dito.
Gayunman napadalhan na ng sulat ang pamunuan ng Ever sa Mayon branch at hiningan na ng paliwanag ukol dito at hinihintay na lamang ang kanilang tugon .
Paliwanag naman ng kinatawan ng Sugar Regulatory Board sapat ang supply ng asukal at wala dapat na pag taas sa presyo.
Duda sila na may nagsasamantalang negosyante para itaas ang presyo at pagkakakitaan ng malaki.
May pagtaas din sa presyo ng manok kaya lang hindi kasama sa SRP ang mga manok na may branded name sakop lang ng SRP ang mga fresh chicken.
Kabilang sa sinuyod ng DTI para sa inspection ang Suki Market sa Mayon St. Savemore, Pure Gold , Ever at isa pa na nasa kalapit lugar lamang.
Pagtiyak pa Asec Cabochan magpapatuloy ang kanilang monitoring sa mga palengke at supermarket sa Metro Manila.