Presyo ng asukal sa ilang palengke sa Metro Manila, bumaba na sa P100 kada kilo

Ilang palengke na rin sa Metro Manila ang nagbebenta na ng mas mababa sa P100 ang kada kilo ng asukal.

Batay sa monitoring ng Bantay Presyo ng Department of Agriculture (DA), kabilang dito ang Commonwealth Market at Muñoz Market sa Quezon City at Malabon Market.

Naglalaro sa P90 ang kada kilo ng puting asukal, nasa P70 kada kilo naman ang wash sugar, habang P68 kada kilo naman ang brown sugar.


Gayunman, maraming palengke pa rin sa Metro Manila na hanggang sa ngayon ay nagbebenta ng nasa P100 kada kilo ng asukal na mas malayo ito kung ikukumpara sa ilang mga supermarket na nagbebenta ng P70 kada kilo.

Facebook Comments